Wednesday, March 4, 2009

Kape

Kape-- isang salita na nangangahulugang “malandi”, “maarte”, “malantod”, :flirt”. Hinango ang salitang ito sa “KAPE”, isang uri ng inumin.

Nang pumasok ako sa Teatro Tomasino, lagi ko iton naririnig na sinansmbit ng mga miyembro ng organisasyon. Nagtataka ako dahil lagi ko nalang itong naririnig pero hindi ko naman alam ang tunay nakahulugan nito. Nagtanong ako upang malaman ko. Nang nalaman ko, napaisip ako. Bakit nga ba kapeh? Ang tanging sagot nila ay kaya daw kape, dahil ang kape daw ay nagpapainit at nagpapasarap ng ating pakiramdam sa tuwing umiinom tayo nito. Sabi pa nga nila, nakakadagdag daw ng “init ng katawan” at “libog” ang kape. Kapag uminom ka nito, makararamdam ka daw ng pag-iinit ng katawan na tila bang masasabi mo na “Ang sarap talga ng kape!”

Siguro, kaya nauso ang kape sa teatro dahil ang mga tao dito ay lantad na sa katotohanan. Siyempre, kapag nasa teatro tomasino ka, o kahit ano pa mang organisasyon na may kinalaman sa teatro, magiging lantad ka talaga at mapupukaw ang iyon kaisipan sa katotohanan. Ang pagiging kape ng mga taga Teatro ay sa mabuti naman paraan. Kape kami dahil mahal namin ang isa't-isa at wal kaming iwanan hanngang sa huli.

Inaamin ko, isa akong “kape”!

1 comment:

  1. Nagkape ka ba? Magkape ka muna kasi mukhang di ka ninenerbiyos? Nalito ako sa ginawa mo, Kape ang tinatalakay mo pero "Read, Read, Read... I know you want to..." ang titulo ng blog mo? 80%

    ReplyDelete