Monday, March 9, 2009

Pagsusuring Pampelikula-- Ploning

(PLOT SUMMARY)
Ang Ploning ay isang pelikulang tungkol sa isang babae na naghihintay sa kanyang kasintahan nang matagal nang panahon. Kasama din dito sa Digo, isang lalaki na hinahanap ang isang babae na nagdulot ng malalim na sugat sa kanyang puso. Makalipas ang 30 taon, bumalik si Digo sa bayan ng Cuyo upang balikan ang nakgisnang lugar. Mula umaga hanngang hapon ay hinahanap ni Digo si Ploning. Ipinakita ni Ploning ang pagmamahal ng isang ina kay Digo, pero nakatatak pa rin sa kanya ang pagmamahal niya kay Tomas, ang kanyang kasintahan. Unti-unitng nalaman at nasaksikan ang totoong katauhan ni Ploning sa isipan ni Digo at sa tulong na rin ng babaeng si Seling. Dahil sa paghahanap ni Digo, masasaksahan na ang pagmamahal nang walang wagas ni Ploning sa mga taong nakapaligid sa kanya.

(TECHNICALITIES)

Ang Ploning ay isang pelikulang maituturing na kakaiba dahil ito palang ang pelikula na may kakaibang panlasa sa mga manunuod. Napansin ko na pinaghandaan talaga ang lahat. Mula sa set, costume, sound, make-up, props and lights. Maganda ang napili nilang setting ng pelikula. Bagay na bagay sa tema. Naipakita din ang mga naitatagong lugar ng ating bansa. Ang "peaceful" ng lugar. Pakiramdam ko, ang babait ng mga tao dun. Sa damit naman o costume, Nababagay ang mga costume ni Ploning dahil naipakita dito ang pagka-Pilipina ng isang babae. Napaka simple lang, pero magaling itong nadala ni Judy Ann Santos. Pati na rin ang make-up ay simple lang. Ang galing lang nung ginawa sa karakter ni Eugene Domingo, ang galing kasi napanindigan talaga yung pagiging baldado niya. Maganda din yung sound, lalo na yung kanta sa simula ng pelikula. Nakakapangilabot pero ang sarap ng dating. Nakakalungkot pero masayang pakinngan! At sa pag-iilaw naman, wala akong masabi. Maganda ang "spotting na nangyari. bawat anggulo, maganda ang kuha!

Sa larangan naman ng pag-arte, wala akong masasabi kay Judy Ann! MAGALING talaga! Napanindigan niya iyon! Ang maganda sa pelikulang ito ay yung mga kasama ni Judy sa pelikula ay mga komedyante, pero nag iiyakan sila sa pelikula habang si Judy Ann, pinipigilan ng karakter niya ang umiyak. Magaling din ang batang gumanap na Digo. Convincing!

(Recommendation)

Wala naman talaga akong mairekomenda dahil naabot ng produksyon na ito ang expectations ko sa pelikula. Deserving naman talaga na maisali ito sa Oscar's. Ewan ko lang kung bakit natanngal ang nominasyon sa Ploning. Sana mas mapagtuunan nalang ng mas ibayong pansin ang mga pelikulang tulad ng Ploning.

Thursday, March 5, 2009

Pagsususri-- Basurahan

(Sir Ampil, eto po yung pinalit ko sa nawalang kopya ng sa pocketbook na reaction paper)

Synopsis at Buod:

Inip at sabik ang nadarama ni Pining ng gabing iyon habang hinihintay ang manghihilot sa kanyang unang pagsilang. Si Pitong, ang kanyang kabiyak, ay tila nababalisa ukol sa tanong ng asawa patungkol sa kinabukasan ng magiging anak. Ikinagagalit pa nito ang paninisi ni Pining at ang hindi matapos na pagkakabagabag sa kahihinatnan ng sanggol. nang matapos ang usapan sa pagitan ng mag-asawa, nabaling ang atensyon ni Pitong kay Badong, isang bulag na pulubi. Sa gitna ng usapan, nabanggit ni Badong ang sinapit ng kanyang anak at asawa dahil sa kahirapan. Sa wari'y kanyang inihahalintulad na maaring danasin ng pamilya ni Pitong; isang bagay na hindi sinang-ayunan ng kausap. Sa 'di kalayuan ay narinig ni Pitong ang tila huni-ngahas, na di umano'y tiyanak na nagbabalak kainin ang magiging sanggol. Sa pagdatin ni Tekla, ang manghihilot, sa barung-barong, agad itong nagpakuha ng tubig at basahan na gagamitin sa panganganak ni Pining. Pangamba at tuwa ang nangibabaw sa gitna ng kadiliman na animo'y mga batang sa huli'y halakhakan din ang nasambit. Paglabas ni Tekla sa silid, agad itong nagpatawag ng doktor kay Pitong. Habang naghihintay, away at lambingan ang naganap sa pagitan ng magnobyang sina Tekla at Badong nang dahil kay Sonya, na di umano'y kerida ni Badong. Dumating si Pitong na walang kasamang doktor at nang dadalhin na sa ospital si Pining, kawalan at lungkot ang nangibabaw sapagkat hindi tumitinag ang katawan ng asawa. Ang sanggol ay inilagay sa baul at mas piniling kitlin ang buhay kaysa ang hirap ang maranasan.



Opinyon:

Ang BASURAHAN ay isang dula na may malalim na konteksto. Walang madaling paraan kung paano ito ilalarawan.
Ipinapakita diro ang pakikipagsapalaran ng isang mahirap na pamilya sa pang-araw-araw na buhay nila bilang mga taong piangkaitan ng yaman. Napapanahon ang dulang ito dahil sa sitwasyong kinabibilangan ng bansa at pagkamulat na rin sa kalagayan ng mga kababayan nating sadlak sa hirap.
Sa makatuwid, ang BASURAHAN ay makagtutro sa atin ng aral ukol sa paglikha ng mga desisyong makapagbabago sa kaalaran, sa mga paniniwalang nakapagpapatibay ng paninindigan at sa pakikipagtunggali sa mga dagok ng buhay.

Wednesday, March 4, 2009

Pagsusuri-- Kabugan



Kulay Rosas ang Dapit-Hapon Minsan sa Isang Taon ay RJ Leyran’s adaptation ng dulang isinulat ni John Guare’s ‘The Loveliest Afternoon of the Year’ kung saan nagkakilala ang isang babae at lalaki sa zoo, nagka-ibigan, at pinagpatuloy ang pagkikita sa kanilang munting lugar. Ang dalawa ay nagkaroon nang sariling mundo sa ginanap sa zoo at bumalik lamang sila sa realidad nang ang asawa ng lalaki ay nagpakita at pareho silang pinatay.

Ang Anino naman ni Allan Lopez ay isang dula tungkol sa isang babaeng malas na nagkarelasyon at nabuntis ng anak ng kanyang asawa. Sa kasamaang palad ay namatay ang kanyang asawa, nakunan at naging ermitanyong babaeng nagtago sa gubat upang dun na lamang manirahan ngunit pati doon ay ginugulo padin siya nang kanyang mga multo at konsiyensya na inakala niyang kasalanan niya ang lahat kaya namatay ang kanyang asawa. Ngunit nagkamali pala siya linason ni Mario, anak ng kanyang asawa, ang asawa ni Luna. Sa huli ay pinarusahan ni Luna ang nagkasala at pinatay niya si Mario.

Oo, miyembro ako ng teatro Tomasino. At ipinagmamalaki ko ito. malaki ang isinakripisyo ng bumubuo ng produksiyong ito. Naipakita nila kung ano ang dapat ipakita. Maganda naman ang pag-arte ng mga karakter na bumuo sa dalawang dula. Mula sa Rosas na nagpakilig sa mga manunuod, hanggang sa Anino na nagpakilabot sa atin. Oo, may mga pagkukulang sa produksiyong ito. Una, kulang sa oras kaya sinasabi na pangit daw ang kinalabasan ng dula. Pero isipin natin na sa loob ba ng ilang linggong paghahanda, makakagawa ka ba ng ganun dula?? Hindi di ba? Pansini natin ang "effort" na binuhos ng Teatro. Maganda ang pagkakalapat ng istorya. Nabigyang diin ang mahahalagang eksena at napagtuunan ito ng pansin. Maayos ang teknikal. "Convincing" ang set ng Anino. Maganda ang pagkakailaw! Nagamit at napanindigan ang mga props na dapat gamitin. Maayos ang costume and make-up.

Siguro, isa lang ang masasabi kong hindi ako bumilib. Mahina ang boses ng mga aktor at minsan, mali ang blockings nila. Pero sa kabuuan, maganda ang Kabugan! Makabog tayong lahat! KABUGAN na! :)

Kape

Kape-- isang salita na nangangahulugang “malandi”, “maarte”, “malantod”, :flirt”. Hinango ang salitang ito sa “KAPE”, isang uri ng inumin.

Nang pumasok ako sa Teatro Tomasino, lagi ko iton naririnig na sinansmbit ng mga miyembro ng organisasyon. Nagtataka ako dahil lagi ko nalang itong naririnig pero hindi ko naman alam ang tunay nakahulugan nito. Nagtanong ako upang malaman ko. Nang nalaman ko, napaisip ako. Bakit nga ba kapeh? Ang tanging sagot nila ay kaya daw kape, dahil ang kape daw ay nagpapainit at nagpapasarap ng ating pakiramdam sa tuwing umiinom tayo nito. Sabi pa nga nila, nakakadagdag daw ng “init ng katawan” at “libog” ang kape. Kapag uminom ka nito, makararamdam ka daw ng pag-iinit ng katawan na tila bang masasabi mo na “Ang sarap talga ng kape!”

Siguro, kaya nauso ang kape sa teatro dahil ang mga tao dito ay lantad na sa katotohanan. Siyempre, kapag nasa teatro tomasino ka, o kahit ano pa mang organisasyon na may kinalaman sa teatro, magiging lantad ka talaga at mapupukaw ang iyon kaisipan sa katotohanan. Ang pagiging kape ng mga taga Teatro ay sa mabuti naman paraan. Kape kami dahil mahal namin ang isa't-isa at wal kaming iwanan hanngang sa huli.

Inaamin ko, isa akong “kape”!